TINGNAN: MGA PETSANG DAPAT TANDAAN PARA SA TAONG PANURUAN 2021-2022 

Pormal nang magsisimula ang darating na school year sa mga pampublikong paaralan sa Setyembre 13, 2021 (Lunes) at magtatapos sa Hunyo 24, 2022 (Biyernes) na may kabuuang bilang na 209 na araw.

Ang mga pribadong paaralan at mga state/local universities at colleges na nagbibigay ng basic education ay maaaring sundin ang sarili nilang kalendaryo, ngunit ang pagsisimula ng kanilang klase ay dapat na hindi mas maaga sa unang Lunes ng Hunyo at hindi rin lalagpas sa Setyembre 13, 2021.

Mananatili namang ipagbabawal ang pagsasagawa ng face-to-face classes, maliban na lamang kung pahihintulutan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Basahin ang kabuuan ng school calendar sa DepEd Order No. 29, s. 2021