Mula Setyembre 5 hanggang Oktubre 5, ipinagdiriwang natin ang National Teachers’ Month. Ang tema ng selebrasyon ngayong taon ay “Gurong Filipino: Katuwang sa Hamon, Kasama sa Pagbangon” bilang pagkilala sa hindi matatawarang dedikasyon ng ating mga guro sa kanilang propesyon sa anumang panahon.
Abangan ang mga inihandang gawain ng DepEd at ng ating partner organizations para sa mga guro sa darating na mga linggo.
Sama-sama rin nating tunghayan ang livestream ng Virtual Kick-off Celebration sa DepEd Philippines Facebook page bukas, Setyembre 6, 8:00 AM sa pangunguna ng DepEd Region VII.