Makiisa sa taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa tuwing Agosto 1-31 na pangungunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino.

Bitbit ang temang “Filipino at Mga Katutubong Wika sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino,” ang pagdiriwang ngayong taon ay kumikilala sa dignidad ng mga katutubong wika at sa kultura ng mga komunidad na nagmamay-ari nito. Kasabay nito ay ang pagwawaksi sa pagtatangi o diskriminasyong pangwika at pangkultura sa bansa.

Ating iangat at tangkilikin ang mga karunungang-bayan at porma ng sining sa bawat sulok ng kapuluan!

Basahin ang Memorandum Pangkagawaran Blg. 046, s. 2021 para sa karagdagang impormasyon.